Maikling Kwento:Ang maikling kwento ay isang masining na uri ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang mahalagang aral o kaisipan sa mga mambabasa.
Ang tinuturing na Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog ay si Deogracias Rosario. Kahit ano ay maaring paksain ng manunulat o patnugot ng maikling kwento. Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman ng tao. Ito ang mga halimbawa
Ang Alkansya Ni Boyet
Isinulat ni:Welrenz Castro (Walang malinaw na inpormasyon)
II.Tauhan
Boyet- Ang huwarang anak sa kanyang mga magulang at nagtataglay ng pagiging isang mabuting ihemplo sa mga kabataan.
Mang Delfin- Ama ni Boyet at asawa naman ito ng kaniyang Ina na si Aling Pacing.
Aling Pacing- Simpleng may bahay at mapag-arugang ina at asawa.
III.Tagpuan
Sa kanila mismong tahanan samadaling salita ito din ay marahil tumutukoy sa kanilang siyudad.
IV.Buod
Si Boyet ang nag-iisang anak nina Mang Delfin at Aling Pacing, simple at payak ang kanilang pamumuhay ngunit kahit ganuon may suliranin paring sumubok sa kanilang katatagan.Nag karoon ng bagyo at napinsala ang hanapbuhay nila na pagsasaka na inaasahan ng pamilya at sa pag-aaral ng anak nilang si Boyet. Kaya't nag desisyon ang kaniyang mga magulang na pahintuin muna si Boyet sa pag-aaral dahil sa kakakulangan ng pinansyal ngunit hindi naging hadlang ito para sumuko si Boyet at sinabi niyang "makakapag-aral po ako Inay." Dahil sa kaniyang pagiging praktikal makakapag patuloy siya dulot ng pagiimpok ng pera.
V.Banghay
Simula- Mahirap pero masaya ang pamilya ni Boyet isang mabait at masipag na anak nina Mang Delfin isang magsasaka sa kanilang inuupahang lupa na tinatamnan ng palay at si Aling Pacing ang ina na katulong ni Boyet sa pagtitinda bg mga bungang kahoy na mula sa kanilang bakuran.
Gitna- Isang araw dahil sa pinsala ng bagyo nasira ang mga pananim na palay kaya nahirapan silang bawiin ang lahat lalo pa't may mga utang sila na nakabinbin kung kaya't pati pag-aaral ni Boyet ay apektado hanggang nag desisyon ang kaniyang mga magulang na pahintuin siya sa pag-aaral.
Wakas- ngunit dahil narin sa kasipagan at pagiging praktikal ni Boyet napakinabanggan niya
ang kaniyang naipon na nakalagay sa ginawa niyang Alkansyang kawayan.Kaya naman maipagpapatuloy na muli ni Boyet ang kaniyang byahe papunta sa kanyang panggarap.
VI.Simbolismo/ Tayutay
Isang magandang simbolo ng ugaling pag-sisikap,praktika l at huwaran na kumakatawan sa pagkatao ni Boyet bilang isang abak at patunay na kung may tiyaga may nilaga katambal ng "kung may naimpok may madudukot."
VI.Mensahe/Aral
Bilang isang kabataan ang aking mensahe sa mga kapwa ko kabataan "matutong mag-impok para sa oras ng pangangailangan mayroong mapagkukunan." at magsilbing aral ang bagay na kahit mahirap magagawan ng paraan kung paghihirapan.
VIIISariling Reaksyon
Magandang halimbawa si Boyet bilang isang anak at maging isang kabataan para sa lahat ng mga kabataan din ngayong henerasyon na maging masinop at pagiging handa na laging isipin parin ang kinabukasan at hindi laging waldas ang kailangang pairalin para lamang mapagbigyan ang pansariling kaligayanhan na marahil pansamantala lamang.Mabuti ng mag tipid kaysa sa huli ikaw ang maiipit.
reference
https:// pinoycollection.com/ maikling-kwento-tungk ol-sa-pamilya/ #Ang-Alkansya-Ni-Boye t
''Tunay na Kaibigan''
Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong.
Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa naman sila na walang iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para magpaalam.
“Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa siya ng labanan.”
“Hindi maaari,” sabi ng kapitan. “Ayokong ipakipagsapalaran ang buhay mo sa isang taong maaaring patay na.”
Alam ni Arman na mapanganib ang magbalik sa lugar ng labanan kaya ayaw siyang payagan. Nang gumabi ay tumakas siya sa kanilang kampo. Gusto niyang balikan ang kanyang kaibigan. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya ito nakikita. Kung namantay ito sa labanan. Makita man lang niya ang bangkay at mapanatag na siya.
Nang magbalik si Arman sa kabilang kampo ay sugatan siya. Marami siyang sinuong na panganib. Galit na sinalubong siya ng kapitan.
“Sabi ko na sa iyo na patay na ang kaibigan mo. Ngayon, malamang na mamatay ka na rin dahil sa mga sugat mo. Ano ang halaga ng ginawa mo, sabihin mo nga?” galit na tanong ng kapitan.
“Kapitan, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko siya. Bago siya nalagutan ng hininga sa aking kandungan, naibulong pa niya sa akin, utol, alam kong babalikan mo ako.”
Parang napahiya ang kapitan. Hindi na siya nakipagtalo pa, agad niyang ipinagamot si Arman sa mga kasamahan nila. Naglakad-lakad siya sa paligid ng kampo nang gabing iyon. Hindi siya makatulog. Naiisip niya ang kanyang kaibigan sa kanyang pangkat. Tulad ng kaibigan ni Arman, hindi rin ito nakabalik sa kampo nang sila’y umurong. At hindi niya ito binalikan para hanapin.
Catada,Andrea Belen F.
HUMss-11 A Catan
(maikling kwento)
I. Ang Inang Matapobre(https.//pinoycollection.com/maikling-kwento-tungkol-sa-pamilya/#Ang-Inang-Matapobre)
A. Isang materyales na Ina, na ng sinusukat lamang ay ang yaman Hindi ang paguugali sa tao at naging hadlang sa magkasintahan na lubos nag iibigan.
II. Tauhan
Aling Osang- Ang Ina ni munching, Hindi Maraming makuntento kung ano ang meron liban nalang sa yaman. Monching- Mabait, masunurin, topnotcher sa board exam at nagiisang anak ni Aling Osang. Corazon- Napakabait, maganda, magalang, masipag at isang Head Teacher. Ang babaeng lubos iniibig ni monching. Boss- Ang ama ni Lanie at boss ni Monching sa trabaho. Lanie- Ang naging Asawa sa huli ni Monching. Suplada, Matapobre, sobrang maarte , mayaman at walang ka galang-galang sa matanda.
III. Tagpuan
Bahay nila sa Bohol sa Inang tagpuan , pangalawang tagpuan ay ang bahay ng kaniyang daughter in law, Lanie sa Bacolod.
IV. Buod
Labis nagiibigan sina Monching at Corazon balak sana pakasalin ng lalaki ang babae ngunit Sila ay hinahadlang ng Kanang Ina na si Aling Osang. Dahil masunurin na bata si Monching umalis papuntang Bacolod ang lalaki para magtrabaho. Mahigit dalawang taon makalipas, nagpadala ng sulat si Monching sa kanyang Ina na may anak at asawa siyang mayaman na anak din ng kanyang boss. Pinadalahan ng Pera ang Ina para papuntang Bacolod at labis nagagalak ang Ina makita ang kanyang anak. Subalit sa makatapos ng byahe nabigla siya sa pag uugali ng kanyang daughter in law, Oo maganda ang babae ngunit ang paguugali nito ay kasing pait ng ampalaya, napaka Arte at suplada na tila'y walang ka galang-galang. Dahil sa kanyang pagiging Matapobre ang naging resulta Hindi na niya labis nakikita ang kanyang nag iisang anak na lalaki. Kung Hindi lamang siya naging hadlang sa pag iibigan ni Monching at Corazon Hanggang ngayon masaya,mayayakap pa niya ang kanyang anak at mabibigyan pa siya ng madaming apo.
V. Banghay
A. Simula. Ang paghihiwalay ng magkasintahan na si Monching at Corazon dahil itoy labag sa kalooban ni Aling Osang.
B. Gitna. Higit dalawang taon makalipas nag asawa si Monching sa babaeng Hindi maganda ang ugali at nagka anak.
C. Wakas. malungkot si Aling Osang sa resulta ng kanyang pagiging isang materyales na ina. Hanggang ngayon sana makakasama pa niya ang kanyang anak kung Hindi siya naging hadlang sa tunay na pagiibigan ng kanyang anak at si Corazon.
VI. Simbolismo. Yaman. Ang yaman ay hindi mahalaga kung ang kapalit lamang ay kasiyahan ng Mahal mo sa Buhay.
VII. Mensahe/Aral
Huwag maging Matapobre, hindi sa dami ng yaman nasusukat ang halaga ng isang tao. Higit na mahalaga ang mabuting kalooban kaysa yaman.
Ni: Nikki V. Undag
HUMSS 11- A CATAN
I. Pamagat: Impeng Negro
Talambuhay: Rogelio R. Sikat
Isinilang noong 1940, Rogelio R. "Sikat" Sicat iniwan niya ang San Isidro, NuevaEcija noong 1950's para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkataposmaging campus writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy niyahanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Philippine literature sapamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, atsa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga"Western writers".Ang mga gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin atnagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin naLiwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at noong1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto , sumunod sa mgamagagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya saliterary history bilang fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean saUniversity of the Philippines Diliman."Impeng Negro" at "Tata Selo", parehong gawa ni Sicat na isinadula sa isangpelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sicat. Ang iba pa niyang mga gawa ay:Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at angdula "Moses, Moses". Namatay si Sicat noong 1997, pero pinarangalan sa hulingpagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taonpara sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na pinamagatang:"Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas."
II. Tauhan
•Impen - ang laging tinutukso sa gripo.
- maitim, kulot ang buhok, mabait at responsableng anak.
•Ogor - mapangutya at mapang-api.
•Boy - ang bunsong kapatid ni Ogor.
•Ang kanyang Ina at mga Agwador.
III. Tagpuan
•sa bahay
• sa gripo (igiban ng tubig)
IV. Buod
Sa isang iskwater ay naninirahan si Impen at ang kanyang ina at kapatid. Sa tuwing aalis ng bahay si Impen bilang isang agwador ay lagi siyang pinagbibilinan ng kanyang ina na umiwas sa pakikipagaway lalo na kay Ogor.
Si Ogor ang siga sa lahat ng agwador sa kanilang lugar. Madals nitong tuksuhin si Impen sanhi panlabas na anyo nito. Anak siya ng kanyang ina sa isang negrong amerikano . Meron siyang kapatid na anak naman ng kanyang ina sa isang Amerikanong puti kaya ganon na lamang ang pagtukso sa kanya ng mga tao.
Isang araw sa kanyang pagiigib ay muli na naman siyang sinubukan ni Ogor. Pilit na isiningit ni Ogor ang kanyang balde nito kahit na si Impen pa ang nasa pila. Nakiusap si Impen kay Ogor na hayaan na lamang siya matapos ngunit hindi ito pumayag kaya naisip na lamang niyang umuwi.
Subalit sa kanyang paglakad ay pinatid siya ni Ogor at tumama ang pisngi niya sa nabitiwang baldeng tubig. Dahil sa dugong dumaloy sa kanyang pisngi ay agad nitong tiningala ang kaaway at tinawag ang pangalan nito. Nagulat si Ogor at mabilis siya nitong sinipa. Nagpambuno ang dalawa. Subalit bigla ang paglakas ni Impen. Natalo at napasuko niya si Ogor. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng mga kapwa niya agwador. Sa pagkakataong ito, pangingilagan na siyang tuksuhin ng mga iyon.
V. Banghay
Simula
Nagsimula ang kwento sa paglalahad ng nanay sa mga kadalasang nagyayari kay Impeng. Si Impeng ay isang binatilyong laging napapaaway dahil sa pangungutya at pang aalipusta sa kaniya. Nariyan din ang paglalahad sa tinitirahang tahanan ni Impeng na inilahad sa kwento. Makikita o mababasa din ang gawain o hanap buhay ni Impeng, siya ay isang agwador. Siya ay isang maitim na anak ng isang babaeng may iba't ibang asawa. Ang kanyang mga kapatid ay di niya kakulay kayat dito palang ay malalaman mo na ang katayuan o katangian ng ina mayroon sa pamilya nila.
Gitna
Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri ng pagkatao mayroon sila ng kanyang pamilya. Sa pamamagitan din ng paglalahad ng may akda sa katangian ni Impeng doon makikita kung bakit siya inaapi at kinukutya ng kanyang mga nakakasalamuha sa lipunan.
Sa pang aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa niyang ipaghiganti ang pamilya dahil sa mga pang-aapi at pangungutyang natatanggap niya. Ibinuhos niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng mga dagok na binitawan niya sa kasagupaang si Ogor.
Paano kaya maiiwasan ni Impeng ang pangungutya at pangaapi sa kanya ng mga tao? Paano niya mapipigilang isipin ng mga tao sa kanyang kapaligirang ang panghuhusga sa kanyang ina at mismong pamilya?
Sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay Ogor nalaman niyang kaya nitong ipaglaban ang kanyang sarili na hindi siya dapat tinatapak-tapakan ng mga tao dahil lamang sa kung anong kulay at uri ng ina mayroon siya. Pinatunayan niya na di dapat nilalalait-lait at kinukutya ang mga katulad niya.
Wakas
Sa pamamagitan ng kanyang mga dagok napasuko niya si Ogor na nangungutya sa kaniya. Hindi niya mapaniwala ang lahat sa nangyari kayat ganun na lamang ang katahimikang naganap. Nakadama siya ng galak habang may mga luha sa kanyang mga mata na tinutuyo ng pagtitig ng mga matang nasa kapaligiran niya. Nadama niya ang bagong mayroon sa sarili. Ang tuklas na iyon ay ang pagiging matibay at matatag niya. Natamo niya na siya'y tila mandirigma na matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.
VI. Simbolismo
Balde - Sumisimbolo ito ng kahirapan… Pero kahit na mahirap ang buhay dapat ay maging patas parin ang labanan.
- pwede ring damdamin na kapag napuno ay kinakailangang bawasan o ilipat, tulad ng damdamin ni Impen napuno na siya kaya nakipagsagupaan siya kay Ogor.
Dugo - sumisimbolo sa katapangan ni Impen na lumaban kay Ogor. O katangian na kayang lumaban ng tao kapag sobra na ang pang-aapi.
Gripo - sumisimbolo sa galit na kinikim-kim ni Impen na kanyang nakuha sa pang-aapi ng mga tao lalong-lalo na kay Ogor.
VII. Mensahe
Ang storyang Impeng Negro ay isang mahalagang storya na nagtuturong maging mabuti at huwag manakit sa nanakit sa iyo. Si Impen ay niloloko lagi ni Ogor at sinasabi lagi ng nanay ni Impen na huwag lumaban pabalik at umalis na lamang. Laging niloloko at ipinagtatawanan si Impen dahil sa kakulayan niya at pati na rin ang pagkatao ng nanay niya. Si Impen ay isa sa mga pinakaitim sa pamilya niya. Siya’y maitim dahil ang tatay niya an isang Negrong galing sa Estados Unidos. Ang nanay naman niya ay pinagtatawanan din ng iba dahil siya’y tinatawag na parang “hoar” dahil sa paging babae na nakakakuha ng para sa pagbibigay ng “pleasure” sa iba’t ibang lalaki. Si Impen ay laging niloloko ni Ogor dahil sa kalagayan ng kanyang pamilya at pagkatao ni Impen. Ang storyang ito ay nagtuturo na maging mas abutting tao at huwag gumawa ng di’ tama o patulan ang nanloko sa iyo.
VIII. Sariling Reaksyon
Ang aking sariling pananaw sa kwentong ito ay huwag lalaban o gantihan ang mga taong nang-aapi o nang-aaway sa inyo dahil sa huli kayo lang din ang talo. At sa mga nang-aapi huwag na kayong mang-api lalong-lalo na kung wala namang gingawang masama sa inyo.
IX. Talasanggunian
https://www.scribd.com/mobile/doc/67834769/Talambuhay-Ni-Rogelio-Sikat
akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/panunuri-sa-akdang-negro-ni-rogelio.html?m=1
kingedrah.blogspot.com/2009/03/impeng-negro.html?m=1
Adapon, Christine Mae E.
HUMSS 11A- (Catan)
I. Pamagat °Ayon sa aking pananaliksik, ang maikling kwento na pinamagatang "Ang Inang Matapobre" ay walang akda na nakasulat. Marahil isa din itong katanungang nais kong ipahatid sa inyo. Kung ipapalagay natin, ang nagsulat nito ay isang makathaing manunulat dahil nagawa niyang gawin ang istorya na diritso ang punto niya sa kung ano man ang nais niyang ipahiwatig. Ang akda ng maikling kwentong "Ang inang matapobre" ay malamang edukado rin kasi sa pagkakabasa ko sa kwento nagawan niya ng paraan ang daloy ng isang kwento. Mapapaisip ka talaga sa nagsulat nito kung nakatapos ba siya ng pag-aaral, ano ang trabaho niya ngayon at ano ang naging buhay niya sa kasalukuyan.
II. Tauhan °Osang- Ang laging bukambibig at isang matapobreng ina at anak niya si Monching. °Monching- Masunurin sa lahat ng bagay at ina nito si Aling Osang. °Corazon- Mabait, masipag, at magalang na bata at naging kasintahan ni Monching. °Lanie- Maganda, mayaman pero pangit ang ugali at naging asawa ni Monching.
III. Tagpuan °Nangyari ang pagtatalo ni Monching at Aling Osang sa bahay nila ng dahil kay Corazon na ito'y kasintahan na sa kasamaang palad hindi pumayag ang ina nito. °Sa Bacolod na kung saan nagkaroon ng trabaho si Monching at nakapag-asawa ng taga roon. °Sa bahay ng mag-asawang Monching at Lanie na kung saan nangyari ang lahat na nasaksihan ni Aling Osang ang ugali na ipinakita ng manugang sa hindi maayos na pagtrato nito sa kanila.
IV. Buod May isang inang nagngangalang Osang na hangad nito sa anak niyang si Monching na mapangasawa ang isang mayaman pero may kasintahan si Monching na simple at hindi gaanong kayaman. Si Monching ay masunurin na anak at isang topnotcher sa exam kaya yun nalang ang ugali ng ina nitong si Osang. Si corazon ay isang teacher na mabait, masipag at magalang at malapit sa pamilya. Nagmamahalan ang dalawa pero may hadlang sa kanila at ito ay ambisosyang ina ni Monching.Gumawa si Aling Osang na maghiwalay ang dalawa para maisakatuparan ang kanyang gusto. Pumunta ng Visayas at Mindanao si Monching para magtrabaho at doon na din niya nakita ang napapangasawa niya sa Bacolod. Mahigit dalawang taon, ng nagpadala ng sulat sa kanyang ina na may asawa na siya ay may anak na rin. Pinapapunta niya ito sa Bacolod para makita ang manugang at apo pero pagkadating nila doon isang pagkabigo ang kanilang nadatnan. Hindi sila pinansin ng kanyang manugang na si Lanie. Dumating sila doon na wala si Monching dahil nasa Davao pa ito kasama ang Father-in-law. Hanggat dumating ang ilang araw na wala pa rin ang anak. Hindi ito ang naging ekspektasyon niya na mangyayari. Doon niya naitanong ang sarili, kailan kaya sila magkikita? Paano na si Corazon na nagmamahal sa kanya na hanggat ngayon umaasa pa rin. Sising-sisi si Aling Osang . Siya ang naging dahilan kung kaya lumayo si Monching at nagtrabaho sa ibang lugar. Kung hindi lang siya naging matapobre, nakita niya sana ang halaga ng magandang ugali kaysa sa materyal na bagay.
V. Banghay Si aling osang ang ina ni Monching na may mataas na pangarap sa buhay. Pangarap niyang makapangasawa ang anak ng mayaman na babae. Si Monching naman ay masunurin na bata at may kasintahan na nagngangalang Corazon. Si Corazon ay isang marangal na guro, mabait, masipag, at magalang. Sa kanilang pag-iibigan ay hadlang ang ina nito. Hindi gusto ng ina na mapangasawa ang kapit-bahay nito. Kaya gumawa siya ng paraan para maghiwalay ito. Yun nga ang nangyari sa dalawa, pero malabo ang kanilang relasyon kasi nagtatrabaho si Monching sa Bacolod at abalang-abala naman si Corazon sa kanyang pagiging guro dahil malapit na itong ma "head teacher". Pero sa maraming taon na ang lumipas, may asawa na si Monching sa Bacolod at ito'y hindi alam ng kasintahan. Ginawa niya ang lahat ng dahil sa kanyang matapobreng ina. Maraming araw, buwan, at taon ang lumipas pumunta ang ina ni Monching sa Bacolod para ito'y dalawin ngunit gayon na lamang ang kanilang nadatnan na hindi sila pinansin ng manugang. Sa ilalim ng mahabang pagbabaksyon nila, doon niya nakita ang halaga ng ugali kaysa sa materyal na bagay. Sinisi niya ang sarili niya sa nangyari ng kanilang anak. Alalang-alala siya kay Corazon na naghihintay at umaasa parin na babalik si Monching sa Manila. Nakita niya ang mga bagay na mas importante kaysa sa yaman ng isang tao.
VI. Tayutay na ginamit/Simbolismo Sa aking pananaliksik, wala akong nakitang tayutay pero simbolismo meron. °Simbolismo Matapobre- Mga taong ayaw sa mga mahihirap. Bukambibig- Palaging nagsasatsat ng mga salita. Kapita-pitagang guro- Isang marangal na guro. Napikot- Nabihag VII. Mensahe o aral °Huwag maging matapobre, hindi sa dami ng yaman nasusukat ang halaga ng isang tao kundi sa halaga ng ugali nito. Hindi masusuklian ng isang bagay ang ugali o katangian ng isang tao lalong-lalo na ito ay nasa mabuting pamamaraan. °Higit na mahalaga ang mabuting kalooban kaysa sa yaman. Maraming tao ngayon na ito ang kaugalian pero hindi nila inisip kung ano ang maging epekto nito sa kasalukuyan.
VIII. Sariling reaksyon Ang maikling kwento na ang pamagat ay "Isang Inang Matapobre", ay nagdulot ng matinding mensahe sa bawat Pilipino. Naipakita ang ugali ng isang ina sa kanyang anak na hindi sana inuugali ng isang ina. Sa aking sariling pananaw, ang kwentong ito ay naghatid ng aral sa mambabasa lalong lalo na sa mga ulirang ina. Umaasa ako na sana nagsilbi itong paalala sa mga matapobreng ina. Kung sa pagkakasulat naman ang pag-uusapan, maganda at nagbigay ng aliw sa mambabasa nito. Alam naman natin ngayon na namumuhay tayo sa maraming manghusgang Pilipino. Karamihan kasi ngayon ay kinain na ng sistema. Noon at hanggang ngayon ay ugali pa rin ng mga ina na maging matapobre sa kanilang kapwa. Sino ba naman ang magtutulungan kundi kapwa lang naman rin. Huwag nating pairalin ang ugaling matapobre kasi sa simula't sapul kapwa lang ang nariyan sa lahat ng pagkakataon.
IX. Talasanggunian °www.gintongaral.com/mga-parabula/ang-inang-matapobre
Lajot, Joan N.
HUMSS 11-A Catan
Pebrero 2017
I.Pamagat
“KuwentongKatutubongKulay: SuyuansaTubigan”. Angsumulatsakwentongito ay siMacario Pineda, siya ay ipinanganaksaMalolos, BulacannoongAbril 10, 1912 sa mag-asawangNicanor Pineda at Felisa de Guzman. Bata pa langsiyangyumaoangkanyangina, at pinakasalanngkanyangamasiMarcelinaAlcaruznoongsiyay 13 taonggulang.
II. Tauhan
●KaAlbina
-angnakakatandangkasamangdalawangdalaga.
●Nati
-angdalaganganakniKaAlbina, angpalaginyangkasamasapaghahanapbuhay.
●Pilang
-angdalagangpamangkinniKaAlbina
●KaIpyong
-angmatandangkasalisapangangaro
●Pakito
-angpalagingkatulongniKaIpyongsapangangaro at taga-alagangkan’yangkalabaw.
●Pastor
-angnakasakaysakalabawna may lihimnapagtinginkayPilang.
●Ore
-angkasamanilangtahimiklamangnanagmamasidkayNati.
III. Tagpuan
MadalingarawsaTubigan
IV. BUOD
Ang“KuwentongKatutubongKulay: SuyuansaTubigan” ay tungkolsasuyuannanaganapsaTubigan. Kung saanangkababaihan ay sinusuyongmgakalalakihansapamamagitanngpagpapakitanggilas o mgagalawanngmgalalaki, ito ay tradisyunalnaestilongsuyuanngmga Pilipino.
Angpangunahingtauhandito ay sinaKaAlbina, kasamaanganaknadalaganasiNati at angpamangkingsiPilang at sinaKaIpyong, Pakito at Pastor nanakasakaysakalabawdalaangkani-kaniyangararo at si Ore natahimiklamang.
Kung saansi PastoraynanunuyokayPilang at si Ore naman ay kayNati. SinaPilang at Nati ay nagtatrabahosaTubiganbilang tag-luto at taga-handangapagkain, habangsina Ore at Pastor naman ay taga-araro. Nagwakasangkwentosapahiwatignabagamatnataloni Pastor si Ore sapag-aararo ay natalonamanni Ore si Pastor sapag-ibigniPilang.
V. Galaw/Banghay
I. Panimula
NagpuntasaTubigansinaKaAlbina, kasamaanganaknadalaganasiNati at angpamangkingsiPilang. Sunong-sunongnilaangmgamatongngkasangkapan at pagkain.Habangdaan, nakasabaynilasinaKaIpyong, Pakito at Pastor nanakasakaysakalabawdalaangkani-kaniyangararo. Habangnaglalakad, nagkakatuwaansila a nagkakatuksuhan. Si Ore nakasamarinnila ay nagpatihulinaparang may malalimnainiisip.
II. Gitna
Nang maratingnilaangtubigangaaruhin, maynadatnansilangnagtatrabaho. Habangabalasapag-aayosngmgakasangkapanggagamitinsinaNati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilitnatumulongkayPilang. Si Ore namn ay mapapansingpinamumulhangpisngi.InabutanniPilangsi Pastor ngkapengunitsinamantalaitongbinatangsapupuhinangkamayngdalaga. Walangkibonglumapitsi Ore kayNati at humingingkape at kamote.WalangpatlangangsulyapanninaNati at Ore habangnagkakainan. Si Pastor naman ay lagging nahuhulingnanakatinginkayPilang. Makakain, inumpisahannilaangsuyuan.Nangugunasi Pastor sapag-aararodahilmalakas pa angkalabawnitokumparakay Ore.
III. Wakas
Nagwakasangkwentosapahiwatignabagamatnataloni Pastor si Ore sapag-aararo ay natalonamanni Ore si Pastor sapag-ibigniPilang.
VI. Simbolismo/Tayutaynaginamitsakwento
●Simbolismongpagigingmasipag
-Kalabaw
●Pagmamalabis/Uri ngisangtayutay
-Naibsanangpagodni Ore ngmahawakannyaangkamayniNati.
VII. Mensahe
Naislamangipabatidng may-akdanaangsuyuannoongunangpanahon ay ibanasangayon. Ipinakitang may akdasakwentongito kung anongklasengsuyuanangmeronangmga Pilipino noon. Mahirap at hindimadali, pinag-sisikapannglalakinamakuhaangloobngbabaesapamamagitangngiba’tibangtrabaho, katigasan at lakasnglooblamangang tanging puhunanngmgakalalakihan noon, hanggangsamapasagotnanilaito at magingkasintahan.
VIII. Reaksyon
Kung ihahambingkoangkwentongitosatotoongbuhay, masasabi kung bihiralamangangganitongklasengsuyuansapanahonngayon. Sapagkatmodernonaangatinghenerasyon, nakukuhanalamangngmgakalalakihanangloobngmgababaesapamamagitanngsimpleng “text” o tawagsatelepono. Hindi nabibigyanngimportansyangmgabinata at dalagaanghalagangsuyuan.Angsuyuan ay hindilamangisangsimplengpaghingingpahintulotnglalakisababae o simplengpagsabingdamdaminnglalakisakan’yangnapupusuan, kung tutuusinito ay nangangailanganngensaktongedad at tamangdesisyon. Hindi bagayangpinaguusapan o gusting makuhanglalakidito, kumdiloob at tiwalangbabae.Ngunitsahenerasyonngayon, hindinamahirapparasamgabinatanasumuyosaisangdalaga. Saaking opinion, bilangisangbabaesahenerasyon, dapatpahalagahan at kilalaningmabutianglalakingiyongsasagutin, yungtiponghindikasasaktan at paaasahin. Dahilangbabaehindisinasaktan, ito’yminamahal.
IX. Talasanggunian
http://google.com/maiklingkwento.com
Diana Marie Q, LimHumss 11 A (catan) Pag susuri sa maikling kwento
I. Nang Minsang Naligaw si AdrianA. Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N.Peralta.Si Ponciano B. Peralta Pineda ay isang manunulat, guro, linggwista at abogado.Itinuring si Ponciano Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas.Siya ay naging direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino na dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-linggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang pambansa. Isa na rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974; Filipino bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28 titik sa 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan.Ang “Diksiyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban, diksiyunaryong pansentenyal ng Komisyon ng Wikang Filipino (1998) na inedit ni Ponciano B. Pineda. Inilathala ni Pineda ang Diksiyunaryo ng Wikang Filipino, na nagsilbing pundasyon ng pambansang leksikograpiya.Sa tulong ng dating kalihim ng Kagawaran ng Pilipino na si Jose Villa Panganiban, nakapagtapos si Pineda sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1948 sa kursong Associate in Arts. Bukod dito, naging patnugot rin si Pineda ng Filipino sa Varsitarian.Bukod sa pagiging isang magaling na awtor ng librong pang-akademiko, isa rin siyang Filipinologist o eksperto sa kulturang Pilipino. Kabilang sa kanyang mga akdang pambalarila ang “Pagpupulong: Mga Tuntunin At Pamamaraan,” “Pandalubhasaan Sining Ng Komunikasyon,” at “Sining Ng Komunikasyon Para Sa Mataas Na Paaralan.” Pinarangalan ng Gawad Palanca si Pineda ng una at ikalawang gantimpala para sa kanyang mga maikling kuwentong “Ang Mangingisda” (1958) at “Malalim ang Gabi” (1953)
II. Tauhan A. Si adrian ay nakapagtapos ng pag dodoktor. B. Ang kanyang ama naman ay may sakit.C. 3 silang magkakapatid,ang kaniyang dalawang kapatid ay nakapagtapos ng abogasya,samantalang si adrian lamang ang naiba ng kurs
III. Tagpuan
Ang bahay at ospital bilang simulang tagpuan ng kwento at ang kagubatan bilang pangwakas na tagpuan.
IV. Buod/Lagom
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang. Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital.Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda. Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala na ang kaniyang ama. Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama. Bahay.Ospital.Bahay.Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nangmaayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumamaang ama.Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar,huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok saisang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ngpuno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit nasanga.Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin angpagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyanggagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din angpagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.
Alam nang ama ang plano ni Adrian, kaya noong tinanong ni Adrian ang ama kung bakit niya ito ginawa ay lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, mulingpinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan silananggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.V. Galaw ng Kwento
Simula*Si adrian ang bunsong anak sa magkakapatid at siya rin ang naiba ng propesyon. Siya ay nag doktor samantalang ang dalawa niyang kapatid ay kapwa abogasya. Lumaki si Adrian ng may pagmamahal sa kanyang mga magulang. Ang kanyang mga kapatid ay nakapag asawa na at naiwan sa kanya ang responsibilidad sa kanyang mga magulang.
Gitna* Si Adrian ay pumasa sa pagdodoktor. Paglipas ng ilang araw, namatay ang kanyang ina. Naiwan sakanya ang kanyang ama na may matagal nang iniindang sakit. Habang nasa operasyon, tumawag ang kanilang kasambahay na inatake ng sakit ang kanyang ama. Dali dali namang umuwi si adrian. buti at naagapan nia ang kalagayan ng ama. Nang lumaon , nakaramdam na sia ng awa sa kanyang sarili dahil di nia magawa ang mga gusto nia. Inggit na inggit sia sa kapwa nia doktor dahil nakapag asawa na ang mga ito at nakukuha na nila ang gusto nila.Wakas* Naisip niang kung mawawala na ang kanyang ama, wala na siang responsibilidad na kelangang gampanan at magagawa na nia ang gusto nia. Naisip niang ligawin ang ama sa gubat. Nang makarating sila sa kanilang pupuntahan, tinunton na nia ang gubat kung saan nia ito iiwan. Angkas nia ang kanyang ama, nagpapahinga sila sa lilim ng puno dahil sa pagod. Tuloy pa rin ang pa agos ng luha ni adrian. Ganon lang ang mga nangyayare, paulit ulit. Napansin ni Adrian na patuloy rin sa pag putol ng sanga ang ama at nagtanong "Dad bakit sa twing magpapahinga tayo, pumuputol kayo ng sanga?" . "Alam kong nais mo akong ligawin anak, ginagawa ko ito para d ka maligaw pabalik". Lalong lumakas ang agos ng pag iyak ni Adrian. Muli, inangkas nia ang ama at tinunton pabalik. Alam ni Adrian na d na sia maliligaw muli. Hinding hindi na
VI. SimbolismoSi Adrian ay simbolo ng batang lugmok ngunit bumangon.Ang responsibilida ay nagsisilbing gabay ng tao upang sukatin an gating kakayahan at hangganan.Ama ni Adrian ay nagsilbing intrumento upang mas higit nating mahalin an gating pamilya.
VII. Mensahe
Lahat ng tao ay minsang naliligaw sa buhay ngunit sa oras na madapa ay kailangang agad-agad bumagon at hindi natin dapat sukuan ang mga taong mahal natin lalong lalo an an gating mga magulang. Kung tayo ay nadapa, hindi tayo dapat manatiling nakadapa habang buhay tayo, maypag kakataon tayong bumangon at bumawi sa ating mga pagkakamali o pagkukulang sa aing kahapon.
VIII. Sariling ReaksyonIsa ito sa mga kwentong kahit ilang ulit ko nang basahin umiiyak parin ako pagkatapos basahin. Damang dama koang bawat salita na binitawan ng ama lalong lalo na nong alam nito na iiwan siya ng anak ngunit naging mabuti parin siyang ama pinutul niya ang mga sanga sakaling maligaw ang kaniyang anak pa balik.
NATHALIE KATE V. CALIBAT
HUMSS- 11a-CATAN
I. PAMAGAT
Ang pamagat ng kwento ay “ IMPENG NEGRO”
II. MAY AKDA
Si Rogelio R. “Sikat” Sicat (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista,mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos sa kursong Batsilyer ngPanitikan sa Pamamahayag mula saPamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
Siya ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Naging tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.
Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.
III. TAUHAN
Impeng Negro-
SiImpeng Negro ay maituturing kong tauhang bilog sa Impemg dahil sa mga pangyayaring nagbago sa kwento. Mula sa pagiging apihing binatilyo siya ay napuno at pinatunayang hindi siya dapat minamaliit dahil sa kanyang panlabas na anyo. Siya mula sa pamilyang di mo malalaman kung ano ang puno kayat kung ano-ano ang bunga. Isang pamilyang inaapi ngunit di nila alam ang tunay na kwento kayat ganun na lamang kung humusga ang mga tao sa paligid niya na kung tutuusin ay nangyayari din ngayon sa ating lipunang ginagalwan. Inaapi at kinukitya dahil sa panlabas na anyo niya.
Ina ni Impeng-
Kung ating susuriing mabuti siya ay inang iba't iba ang pinagmulan ng lahi ng kanyang anak o sa madaling salita ay may iba't ibang asawa. Ang panghuhusga ng mga tao sa kanya ay isang babaeng walang dignidad. Mapapansing alintana niya ang hirap ng buhay alinsunod sa paglalarawan sa kwento na “nakalugay ang buhok,bukas ang kupasing damit at nakahantad ang laylay at tuyot na dibdib.
Ogor-
Si Ogor ay isang mapangapi at mapangutyang tauhan sa kwento na siyang nagbigay ng dahilan upang gawin o palabasin ang napunong balde ng galit na ibinuhos ni Impeng sa kanya sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan sa kanya. Sa bandang huli nawala ang pagsisigasigaan niya, natalo siya ni Impeng na hindi inasahan ng kapwa niya agwador.Sa pamamagitan din niya naipakita ni Sicat ang mga nasa taas ng ating lipunan. Ang mga mayayaman at may kaya na humusga sa mga nasa ibaba nito na dahil sa ganun sila ay nakakaya na nilang maliitin ang isang tao at kaya nilang tapakan ito sa leeg.
Kano-
Si Kano ay kapatid ni Impeng sa ina. Siya ay anak ng isang amerikanong puti at kasalukuyang pitong taong gulang.
IV. BUOD
Sa giray na batalan ay naghuhugas ang maglalabing-anim na taong gulang na si Impeng ay natigilan nang dahil sa pangangaral ng nanay niya sa kanya.Baka mapaaway na naman siya.Sa apat na magkakapatid ay tanging si Impeng lamang ang maputi sapagkat sina Kano,Boyet at DingDing ay mapuputi lalo na si Kano.Pag-alis niya ay isinuot niya ang kamisetang dati ay masikip ngayo'y maluwag na.
Parating sinasabi ng kanyang ina na huwag na lamang pansinin si Ogor dahil ito ay basagulero talaga sa kanilang lugar.Laging tinatandaan ni Impeng ang sinabe ng kanyang ngunit hindi niya
matagalan ang panlalait nito sa kanya.Si Ogor ay hindi itinuring na kaibigan si Impeng.Siya ang malakas na agwador sa kanilang lugar.Di nagtagal ay tinanggap niya na lamang dahil yun naman talaga ang totoo.
Pagkadating sa niya sa may gripo ay agad siyang pumila.Sa paglipas ng oras, ay nakaipob na agad siya ng sisenta sentimos at may isa pang nagpapa- igib sa kanya.Kahit naiinitan siya ay hindi nalang siya sumilong sapagkat sina Ogor at iba pa nitong kasama.Nang si Ogor naman ang iigib ay biglang siyang sumingit,dahilan iyan upang umuwi na lamang ngunit bigla siyang pinatid nito.Dahil dyan ay dumugo ang pisngi ni Impeng.
Pagkatapos ay sinipa siya at gumulong siya sa mga balde.Nagtawanan ang mga tao.Sinipa ulit siya at sa akmang sisipa ay kinagat ni Impeng ang paa kaya't pumailalim si Ogor at si Impeng ang nasa ibabaw.Pinaulanan niya ito ng mga suntok dahilan upang humina at sumuko.Tumayo at tinignan ang mga tao, ang mga ito ay nahihiya na sa kanya.Dahil dito ay natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama ang tibay,katatagan at kapangyarihan.Sa gitna ng sikat ng araw, siya'y naging sugatang mandirigma na ang tangning hiling ay ang kapayapaan kahit na siya ay iba sa lahat.
V. TAGPUAN
Ang iskwater bilang tagpuan ay isang maliit at kilalang pamayanan ng mga mahihirap at mababang antas ng lipunan ang nagsilbing tampukan sa pinagganapan ng kwento. Sa pamamagitan ng paglalarawan ng katayuan sa buhay, katangiang pisikal, at hanapbuhay ng mga tauhan ay ganap na napalutang ng may akdaang lugar na ginagalawan sa akda. Masasabi kong akma ang lugar sa daloy at katangiang nakapaloob sa kwentong Impeng Negro sapagkat ipinakita at inilarawan ng may akda ang nistruktura ng tahanan, na sinasabing barong barong lamang at ang poso na pinag-iigiban ng mga agwador na siya ring pinag-ikutan ng buong kwento. Angkop ang tagpuang ginamit ng may-akda sa paksa at ideyang pinalitaw ng may akda sa kwento.
VI. BANGHAY
Panimula
Nagsimula ang kwento sa paglalahad ng nanay sa mga kadalasang nagyayari kay Impeng. Si Impeng ay isang binatilyong laging napapaaway dahil sa pangungutya at pang aalipusta sa kaniya. Nariyan din ang paglalahad sa tinitirahang tahanan ni Impeng na inilahad sa kwento. Makikita o mababasa din ang gawain o hanap buhay ni Impeng siya ay isang agwador. Siya ay isang maitim na anak ng isang babaeng may iba't ibang asawa ang kanyang mga kapatid ay di niya kakulay kayat dito palang ay malalaman mo na ang katayuan o katangian ng ina mayroon sa pamilya nila.
Papataas na aksiyon
Sa pamamagitan ng pakikipagsagupaan niya kay Ogor nalaman niyang kaya nitong ipaglaban ang kanyang sarili na hindi siya dapat tinatapaktapakan ng mga tao dahil lamang sa kung anong kulay at uri ng ina mayroon siya. Pinatunayan niya na di dapat nilalalaitlait at kinukutya ang mga katulad niya.
Saglit na kasiglahan
Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pamilya niya malalaman kung anong uri ng pagkatao mayroon sila ng kanyang pamilya. Sa pamamagitan din ng paglalahad ng may akda sa katangian ni Impeng doon makikita kung bakit siya inaapi at kinukutya ng kanyang mga nakakasalamuha sa lipunan.
Sa pang-aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa niyang ipaghiganti ang pamilya dahil sa mga pang aapi at pangungutyang natatanggap niya. Ibinuhos niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan ng mga dagok na binitawan niya sa kasagupaang si Ogor.
Kasukdulan
Sa pamamagitan ng kanyang mga dagok napasuko niya si Ogor na nangungutya sa kaniya. Hindi niya mapaniwala ang lahat sa nagyari kayat ganun na lamang ang katahimikang naganap. Nakadama siya ng galak habang may mga luha sa kanyanv mga mata na tinutuyo pagtitig ng mga matang nasa kaligiran niya. Nadama niya ang bagong mayroon sa sarili ang tuklas na iyon ay ang pagiging matibay at matatag niya.
Kakalasan o katapusan
Natamo niya na siya'y tila mandirigma na matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan.Nasaktan man si Impen ay napatunayan niya ang kanyang kakaibang lakas.
VII. SIMBOLISMO
Sa pangalan ng Tauhan
1.Impeng- marahil ginamit ni Sicat ang Impeng dahil pwedeng ikapit sa malapit na tawag na aping o naaapi.
2.Negro- maaaring dahil sa pag-uuri ng mga tao sa pamamagitan ng kulay at katayuan pwedeng husgahan ang mga tao ang isang bagay. Gaya na lamang sa paghuhusga sa ina ni Impeng.
Sa mga bagay sa kwento
1.Balde- nangangahulagang damdamin na kapag minsan napupuno ay kailangang maisalin o bawasan gaya ni Impeng, siya ay isang balde na napuno kay Ogor kaya't siya ay nakipagsagupa dito.
2.Gripo- galit na pumupuno sa damdamin ni Impeng na dahil sa palaging pagmamalabis ni Ogor sa pamamagitan ng pang-aapi at pangungutya ay di niya kinaya.
- maaari ring si Ogor na pumuno ng galit sa damdamin ni Impeng kayat lumabas ang tunay na katatagan at tibay nito.
Dugo- sumisimbolo ito sa kwento nang pagiging malakas na loob o pagiging matapang na kapag nakita nang may dumanak na dugo o nasugatan ay lumalabas din ang tapang nang isang tao.
VIII. MENSAHE
Tinalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian at kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban ang dangal at dignidad na di dapat silang husgahan at kutyain dahil sa bagay na kinatatayuan nila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang alipusta at mga taong walang alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.
Naipakita ng may-akda ang sakit ng lipunan na magpasakasalukuyang panahon ay nangyayari.
IX. Pangkalahatang Reaksyon
Puno ng emosyon at kapana-panabik na tagpo ang kwento lalo’t malinaw na inilarawan dito ang sakit na nararamdaman ni Impen na para bang ipinalalasap din sa mambabasa ang pakiramdaman na pintasan, magkaroon ng mortal na kaaway at magkaroon ng magulong at kakaibang pamilya. Sa araw-araw na pakikibaka ni Impen ay hindi nakakaligtas sa kanya ang ginagawang panlilibak ng ibang tao, at sa bawat pintas na binibitaw ng mga ito ay para bang sinisibat ang aking puso dahil tulad niya ay nakikiisa ang aking damdamin sa pagkondena sa mga taong may makitid na pang-unawa. Maingat na nailarawan ng awtor ang mga sandaling nagtitimpi si Impen hanggang sa punto na bigla na lang siyang sumabog. Sa bawat dagok na pinakakawalan niya kay Ogor, ay tumitindi rin ang aking damdamin dahil kaisa niya ako sa kanyang paghihiganti. Ipinapahayag lamang dito na mali man ang kanyang ginawa ay nakilala naman niya ang kanyang nakatagong kakayahan, masaya siya dahil makakalabas na siya sa anino ng kawalan, makakatakas na siya sa mapanghusgang mata ng kanyang kapitbahay at kanayon dahil iba na siya ngayon. Hindi na siya ang Impen na isang negro bagkus si Impen na nakatalo kay Ogor. Isang pambihirang lakas ang sumailim sa kanyang katauhan na nagdulot ng pagbabago sa kanyang buhay.
Don’t judge the book by its cover… isang gasgas na kasabihan subalit marami parin ang nakakalimot at patuloy ang ginagawang panghuhusga sa kanilang kapwa. Tulad kaya ni Impen, malalaman din kaya ng mga taong hinuhusgahan ang kanilang nakatagong taglay?...
Ang Bulkang Taal
Isinulat ni:Earl Peter Shon Belen
Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya’t nag-utos ang amang si Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon ngunit wala isa man sa kanilang makakita sa singsing.
Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi lamang dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan ito sa buhay niya. “Iyang singsing na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na pawang mga raha at lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming mag-asawa.”
“Patawarin ninyo ako, mahal kong ama,” luhaang sabi ni Taalita. “Alam ko po ang kahalagahan niyan. Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad ng pagmamahal ko sa nasira kong ina, subalit…”
“Huwag kang lumuha, anak,” sabi ng ama. “Hayaan mo’t makikita pa rin iyan.”
Sa mga naghahanap ng singsing, isang binata ang di naglulubay sa pagsisikap na makita ito. Hiningi niya ang tulong ng langit at di nga nagtagal ay nakita ang hinahanap. Nalunok pala ito ng isang malaking isda.
Ibinalik niya ito sa prinsesa at sa laki ng utang na loob ng mag-ama naging malapit sa kanila ang binata. Hindi naglaon at naging magkasintahan si Taalita at Mulawin. Pumayag naman ang ama sa pag-iisang-dibdib nila dahil alam niyang mabait, matapat at mapag-kakatiwalaan ang lalaki.
Masaya ang buhay ng mag-asawa, at nang matanda na ang raha, si Mulawin na ang namahala sa barangay. Madalas na ang ginagawa nilang pasyalan ay ang lawa. Namamangka ang mag-asawa at natutuwang minamasdan ang mga isda at ibang nabubuhay sa dagat.
Isang araw, sa pamamangka nila, natanawan ni Taalita ang isang di-karaniwang bulaklak na nakalutang sa tubig. “Kay ganda ng bulaklak na iyon. Kukunin ko,” at bago napigilan ng asawa ay nakatalon agad sa tubig. Hinintay ni Mulawin na lumitaw ang asawa ngunit hindi ito pumapaibabaw. Dagling tumalon din ang lalaki para saklolohan ang asawa, ngunit pati siya ay nawalang parang bula.
Laking pagluluksa ng buong barangay sa nangyari sa kanilang mahal na Raha Mulawin at Prinsesa Taalita. Hindi naglaon, may lumitaw sa gitna ng lawa sa kinalinuran ng magsing-irog na isang pulo.
Iyan ang Bulkan ng Taal, ngalang ibinigay ng amang datu para laging ipagunita ang nawalang mga anak.
Ayon sa mga mangingisda, madalas daw nilang marinig kapag napapalapit sila sa bulkan ang masayang awit ng mag-asawang Mulawin at Taalita, na kahit sa kabilang-buhay ay masaya at nagmamahalan.
Aral:
Maging matapat sa pinagagawa sa iyo. Huwag agad susuko, tandaan “Kapag may tiyaga, may nilaga.”
Maging maingat sa lahat ng oras. Huwag padalos-dalos sa mga desisyon dahil maaari itong magdulot ng kapahamakan.
Pamagat: Tata Selo
May-akda:Rogelio Sicat (Isinilang noong 1940, Rogelio R. "Sikat" Sicat iniwan niya ang San Isidro, NuevaEcija noong 1950's para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkataposmaging campus writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy niyahanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Philippine literature sapamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, atsa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga"Western writers".Ang mga gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin atnagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin naLiwayway.
Tauhan:
(Pangunahing Tauhan) Tata Selo
Kabesang Tamo- mayamang may-ari ng Sakahan at Sinanlaan ni Tata Selo sa Sakahang dati niyang pag-mamay-ari
Saling- anak ni Tata Selo
Alkalde,Pulis, Mga ilang magsasaka at mamamayan, isang bata
Banghay:Buod ng kwento ni Tata Selo*Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang namakapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa.Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng perahindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya nalang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka siTata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil mayiba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni KabesaTano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito.Kaya nakulong si Tata Selo.*Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si TataSelo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupangsinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niyaat naembargo.Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyanglupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya atkaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noopaliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde atmaging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ngKabesa.Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira atnanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawangaraw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitongpauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito,dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta satanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana niTata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".*Mabilis na kumalat ang usapan tungkol sa pagpatay ni Tata Selo kay Kabesa, ito'ynaging mainit na usapan ng mga tao at karamihan ay hindi makapaniwala na nagawanya ito, dahil halos lahat ng tao sa kanilang ay kilala siya bilang isang mabait na tao .Sya ay kinausap ng presidente habang sya ay nasa likod ng mga rehas, at tinanongkung bakit nya nagawa ito. Palaging sagot ni Tata Selo na tinungkod sya ng Kabesanang subukan nyang makiusap na huwag syang tanggalin sa pagsasaka dahil itolamang ang kanyang ikinabubuhay sa kanyang pamilya. Sabi ng binatang anak ngpinakamayamang propitaryo sa San Roque na hindi yun sapat na katwiran; paliwanagnya, hindi sya nauunawaan ng mga tao, kung anuh ang rason kung bakit nya nagawaang nasabing krimen. May isang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong kung paano naang kanyang anak, si Saling, na naninilbihan kanila Kabesa.
Simbolismo: Isang matibay na bagay na makakapagbigay ng malalim na simbolismo sa istorya ay ang "tagak". Dahil sa pagsusuring ito, umikot ang at nagbigay sabik sa istorya ang pagtaga ni Tata Selo sa kay Kabesang Tamo. Ang tagak din ay nagbigay suspense sa tila isang masipag at mapagmahal sa pamilya na si Tata Selo.
Mensahe: ang mensahe nito ay di dapat magtiwala agad sa isang tao dapat magdahan dahan sa mga gagawing aksyon nang di magsisi dapat pairalin ang galit.
Reaksyon: ang reaksyon ko sa kwento ay okay lang siya maganda basahin
Talasanggunian: http://kingedrah.blogspot.com/
Maikling kwento
Pamagat
*Ang Kalupi
May-akda
*Benjamin P. Pascual ( siya ay ipinanganak sa lungsod Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat narin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat no Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.
Tauhan
*Aling Marta- isang tusong tao na gagawi ang lahat upang makuha ang kaniyang gusto, sa mabuti man o masamang paraan.
*Inosenteng Bata- inosenteng bata na nadamay sa masamang bagay na gawa ng ibang tao.
*Anak ni Aling Marta- sinisimbolo niya ang isang bagay na hinahangad ng mga marami, ayon naring sa kuwento, hinangad ni Aling Marta ang kaniyang pagtatapos ng high school.
Banghay
*Sa buhay natin, masasabi nating marami tayong mga nagagawang maling desisyon at hinala. Dala narin marahil sa nagpadala tayo sa bugso ng ating damdamin kung kaya’t nakapag-aakusa tayo ng mali sa ating kapwa. Si Aling Marta, ayos sa paglalarawan sa kuwento, ay isang inang gagawin ang lahat para sa kaniyang anak.
Mataas ang kaniyang pangarap. Nang araw na iyon ay nalalapit na ang pagtatapos ng kaniyang anak. Kung kaya’t maaga palang ay nagtungo na agad siya palengke upang mamili. Sa kaniyang paglalakad ay nabunggo siya ng isang batang marungis, na ayon sa itsura ay agad na napulaan ni Aling Marta. Mahirap, walang pinag-aralan, bastos. Magbabayad na sana ng kaniyang mga pinamili nang mapagtanto niyang nawawala pala ang kaniyang kalupi. Nataranta siya. Wari’y napapahiya na sa kaniyang pinamilhan. Naguguluhan siya pero isa lang ang pumasok sa isip niya. Natitiyak niya na ang batang marungis na nakabangga niya kanina ang kumuha ng kaniyang pitaka. Nagmadalai siyang umalis para hanapin ang bata at nang Makita niya ito ay agad niyang hinablot ang damit at pilit na pinaamin sa pagkuha ng kaniyang pitaka. Iginiit naman ng bata na wala siyang kinukuha ngunit pilit parin itong pinaaamin ni Aling Marta.
Marami na ang nakapalibot sa kanila at ang iba’y naaawa sa bata ngunit patuloy lang si Aling Marta sa kaniyang ginagawa. Maya-maya’y dumating ang pulis , nagtanong sa bata at nagsaad pa nito’y dadalhin sa presinto. Labis na ikinatakot iyon ng bata. Ang binili niyang isdang bangus ay kakailanganin na ng kaniyang tiyahin. Tiyak na mapagagalitan siya kapag hindi agad siya nakauwi. Ang mahigpit na kamay ni Aling Marta ay nagdulot ng matinding sakit sa bata kung kaya’t nang masapo ang kamay niya sa bata ay agad na sinapo iyon ng bata, kinagat at sa pagkakataon iyon, wari’y nagkaroon siya ng pagkakataon para makawala. Para makalaya.Humanap siya ng malulusutan. Malayo sa mapanghusgang si Aling Marta at sa pulis. Ngunit hindi niya namalayan, kasabay ni tilian ng mga nakakita, at ang paghabol sa kaniya ng pulis at ni Aling Marta, ay ang pagkabangga niya sa humahagibis na jeep. Hanggang sa huling sandal, bago mawalan ng buhay ang bata ay iginiit niya na wala siyang ginagawang masama, na wala siyang ninanakaw.
“Patay na ho ba ang bata? May pananagutan ho ba ako kung sakali?”, tanong ni Aling Marta sa pulis. Sa loob-loob ni Aling Marta, naisip niya na dapat lang ang nangyari sa bata. Na iyon ang kapalit ng pagkuha ng kalupi niya. Pagkauwi sa bahay, nagtaka ang asawa ni Aling Marta kung saan galling ang mga pinamili niya. Kung saan galing ang pera niya gayong naiwan nito ang kalupi dahil kinuha ito ng kaniyang asawa.Sa pagkakataong iyon ay tila ba pinanawan ng lakas si Aling Marta. Nanlamig at nawalan ng malay.
Madali para sa ating ang manghusga. Madalas , nagiging basehan ang panlabas na kaanyuhan sa pakikitungo natin sa ibang tao. Kahit hindi natin alam ang kanilang pinagdaanan kahit hindi natin sila talagang kilala. Madali lang sa atin ang sabihin ang mga negatibong nakikita natin sa kanila.
Sa nangyari kay Aling Marta, malamang hanggang ngayon ay binabagabag parin siya ng kaniyang konsensiya. Na sana ay sinigurado muna niya ang totoong nangyari bago siya nanghusga. Ngunit huli na ang lahat. “Nasa huli ang pagsisisi” (ARAL). Kung kaya’t “Pakaisipin muna natin nang makasampung ulit ang mga salitang bibitiwan natin” (MENSAHE) para sa huli’y wala tayong madisgrasya.
Simbolismo
*Kalupi- sinisimbolo ang mga bagay na kinakailangan ng isang tao upang magtagumpay .
*Maliit na barung-barong- sinisimbolo nito ang kahirapan.
Mensahe
*Huwag mang-husga sa kapwa tao nang nakabasi lang sa kung ano ang nakikita nang iyong mata.
Reaksyon
*ang reaksyon ko sa maikling kwento na pinamagatang Ang Kalupi ay nainis ako dahil hindi mabuti ang manghusga agad sa isang tao ng hindi pa natin alam ang katotohanan.
Talasanggunian
*Markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/ang-kalupi-maikling-kwento-ni-benjamin.html
Pamagat: Ang kuwento ni Mabuti
May-akda: Genoveva Edroza-Matute(Si Genoveva Edroza-Matute o Aling Bebang ay isang magiting na kuwentista sa wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Isinilang siya noong 13 Enero 1915. Iginagalang siyang guro sa elementarya, sekondarya at hanggang sa kolehiyo. Nagretiro siya bilang Dekana sa Philippine Normal College (na kilala ngayon bilang Philippine Normal University). Marami na siyang parangal na inani at ilan dito ang Gantimpalang Palanca at Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992. Ilan sa kanyang mga akda tulad ng Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik ang laging itinatampok sa mga textbook at iba pang publikasyon.Si Aling Bebang ay maybahay ng manunulat na si Epifanio Matute. Pumanaw si Aling Bebang noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.)
Tauhan:
Mabuti- isang guro sa pampunlikong paaralan. Hindi mabuti ang tunay niyang pangalan,nagging mabuti lamang ang tawag sa kanya sapagkat ito ang palagi niyang sinasabi sa klasesa simula at katapusan. Kung minsan ay sinasabi niya rin ang salitang mabuti kapag wala nasiyang masabi o nalilimutan niya ang mga dapat niyang sabihin.Si Mabuti ay Lapad sapagkat hindi siya nagbabago ng katauhan.
Fe: Ang estudyante ni Mabuti sa kwento kung saan siya ang batang nadatnan ni Mabuti sasulok ng silid-aklatan.Si Fe ay biligan sapagkat dati ay negatibo siya mag-isip, simpleng problema, pakiramdamniya siya na ang may pinakamabigat na rpoblema sa buong mundo. Ngunit nang makilala niyasi Mabuti, na sa kabila ng problema nito ay mabuti, nagging positibo na ang paningin niya sabuhay.
Banghay:Ito ay tinatawag na paikut-ikot o circular sapagkat nagsimula ang kwento sa gitna natinatawag nating ´in media res. Ito ay tumatalakay sa buhay ng isang guro na kung tawagin ng kaniyang mga estudiyante ay “Mabuti” sapagkat sa bawat araw na siya’y nagtuturo, lagi niyang bukambibig ang salitang “Mabuti”. Isa siyang guro na may mga matataas na pangarap para sa kaniyang anak. Bukod dito, isa rin siyang huwarang guro at isa sa kaniyang mga mag-aaral na si Fe ang labis na humahanga sa kaniya. Hindi man batid ng nakararami, sa kabila ng kaniyang pagiging malakas ay may itinatago rin siyang kahinaan at dahil dito ay hindi niya maitatago ang hubad na katotohanang pinakalilihim niya.
Nakita ni Fe ang kaniyang sarili sa kaniyang guro na si Mabuti. Pareho silang may suliranin. Gayun nga lang ay mas mabigat o komplikado ang problema ni Mabuti dahil ang kaniyang guro ay nasa totoong mukha nan g buhay.
Isang hapon , nang dahil sa pambatang dahilan ay naabutan ni Mabuti na umiiyak si Fe sa isang madilim na sulok ng isa sa mga silid ng paaralang iyon at ang naiusal lang ni Mabuti ay “ Mabuti at may makakasabay pala akong umiyak dito”
Mula noon, mas lumaki ang paghanga ni Fe kay Mabuti at ang bawat pagtuturo nito sa kanila ay isang magandang pahina ng kaniyang buhay-estudyante.
Madalas ikuwento ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang kaisa-isang anak na nais niyang bigyan ng magandang buhay lalo na’t nais niyang matulad ito sa kaniyang ama na isang manggagamot.
Ngunit matapos mamatay ang ama ng kaniyang anak, at hindi maiburol sa kaniya mismong bahay, doon niya napagtanto at nalaman ang katotohanang hindi si Mabuti ang unang asawa ng manggagamot na iyon. Pangalawa lang siya at naunawaan niyang kaya umiiyak si Mabuti sa silid na iyon na kaniya ring iniiyakan, ay dahil sa natuklasan niya.
Sa paglipas ng mga panahon, hindi parin nawawala sa isip ni Fe ang larawan ng kaniyang guro. Bagamat lumipas na ang mga araw ay nananatili sa kaniyang puso ang mga payo at aral ng kaniyang gurong si Mabuti, ang itinuturi niyang inspirasyon.
Simbolismo: sumisimbolo ang maikling kwentong ito na “ Walang lihim na hindi nabubunyag”
Mensahe: kahit gaano pa kalakas ang isang tao, may itinatago parin siyang kahinaan/kapintasan o mga madidilim na sikreto sa buhay
Reaksyon: ang reaksyon ko sa kwento ay na shock ako kasi kahit na tinatawag na siyang mabuti may hinding masaya parin siyang nidadanas.
Talasanggunian: https://www.wattpad.com/384117070-best-high-school-memories-buod-ng-ang-kwento-ni-mabuti
Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
TumugonBurahinUsed ford edge titanium - TITanium Arts
TumugonBurahinThe “Edge of Titanium”, is a diamond-shaped glazed plate that contains a titanium core. The base is ray ban titanium protected with a rainbow titanium zinc oxide titanium nose hoop layer seiko titanium watch to $14.99 · In stock columbia titanium jacket
a945w4hoxbg407 dildo,sex chair,black dildos,dog dildo,huge dildos,vibrators,Butterfly Vibrator,huge dildos,dildos w995k9plkbo512
TumugonBurahin