Tradisyonal na Tula:
Ang tradisyunal na tula sa ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin.
Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahin ng pantig ang sukat. Mayroon itong malalim na kahulugan. Ito ang mga halimbawa.


Sigaw Sa SiniTINTA

Ni:Adora,Mellany Fe M.

(Tradisyunal na Tulang Tanka)


Ilalarawan,

At aking guguhitan.

Hiyaw ng tugma.

T'wing sisipol ang letra.

Sasabay sating katha.


Ang pagkulintang,

Ng araw na sumalang,

Sa dugtong-dugtong.

Na parang 'sang dagundong.

Ika'y tunay ngang bulong.


Saksi ang tenga,

Saking mga nakita.

"Mahusay ka nga."

Mag paibig ng obra,

Damay pati sikmura.





BAGONG TAON
NI: Earl Peter Shon T. Belen

Hindi ko matalos kung ang aking puso’y
Magbabagong taón sa pagkasiphayo,
Ako’y naririto’t ikaw ay malayo
Na animo’y buwang sa aki’y nagtago.

Inaasahan ko ng̃ buong pag-asa
Na ikaw sa aki’y sadyang lumimot na,
Kung magkakagayo’y iyong makikita
Ang maputlang bangkay sa gitna ng̃ dusa.

Ako, sakali mang iniwan sa hirap
Ay nagsasaya rin kahit sa pang̃arap,
Sapagka’t nais ko na iyong mamalas
Na ako’y marunong magdalá ng̃ palad.

At sa pagpasok ng̃a ng̃ bagong taon mo
Ay pawang ligaya ang hinahang̃ad ko
Na iyong tamuhin sa buhay na ito
Kahit pang̃arap daw ang lahat sa mundo.


Nathalie Kate V. Calibat

HUMSS 11a- CATAN






TINURUAN MO AKONG MAGMAHAL

Kailan nga ba, una tayong magkita,

Sa sobrang tagal di ko na maalala,

Paano mo nga ba nahuli aking mata,

Ako’y nabighani sa taglay mong ganda,

Mula noo’y ikaw ay di na malimot,

Ano ba’t bakit, saya sa aki’y iyong dulot,

‘Kaw na unang nagpangiti sa mga labi,

Ngayo’y hanap sa ‘twina, pala-palagi,

Puso kong puno nga pagkapagal,

Iyong tinuruan kung pa’no magmahal,

Naging inspirasyon, saki’y nagpatatag,

Ngayo’t kailanma’y aking mababanaag,

Batid ko naman, mahal mo’y iba,

Hayaan mo’t di ko na ipipilit pa,

Di na aasang ako’y iyong mahalin,

Sa ‘yong ligaya, ako’y masaya na rin,




Gulong Ng Bulong

Ni: Adora,Mellany Fe M.

(Katutubong tulang Tanaga ng mga Tagalog).


Simpleng salita sa'yo.

Na kapalit ay libo,

Tagos hanggang sa buto.

Ang dalang tigas nito.


"Nagalusan sa kanto."

Sa peke mong kulantro.

Natuto na tumayo,

Ng dahil iyon saiyo.


Humikbi ng patago,

Lihim na itinago,

Maski mag alboruto,

Ang dugong  kumukulo.


Hinintay ang pagbago,

Sa luma na mag laho.

Dahil iyon ang  gusto,

Natuto ng tumayo.


"Natinik mo nga ako!"

Ngunit di nag reklamo.

Kahit  pira-piraso,

Tanggap ng buong-buo.


Nang siya'y sinaksak mo.

Saksi ang mga bato,

Sa gamit na kutsilyo,

Tumtulo ang dugo.


"Pinatay mo nga ako!"

Sa hinagpis ng mundo,

Ginawa mong magulo,

Ang aming paraiso.




Ang Kinakamkam kung Kalayaan at Katarungan
Isinulat ni:Michael John Academia

Magagasgas lamang - mga lalamunan,Nitong mga lobong lipad sa ulapan,Marami man itong kanilang mga bilang,Hinding-hindi naman tiyak pakikinggan.


Kahit na sa buwan itong hinanakit,Ilipad ang daing, hinagpis at sakit,Papuputukin lang ang pintog na ganid,Matulis ang kuko ng hayok sa langit .


Sa paghahanap ko nitong katarungan,Baka makarating sa kinabibilangan,Nitong mga pigtas ang hingang nilalang,Na naghihintay doon sa krus na daan.


Kung sa lupa’y kinang ay sadyang mailap,Nitong katarungang ibig na malasap,Hayaang lumuha't dugo ay pumatak,Pagkat nasa langit ang tunay na galak.


Mabuti-buti pa na ipasaitaas,Ang ibig makamit na ngiti at gilas,Ang katarungang libing na at agnas Makakatalik kung dating na ang wakas!



Mama
Lim, Diana Marie Q.
Siyamnabuwangtiniissaloobngtiyan;
Dulotngpagmamahalna 'di mapapantayan;
Walangkatuladikaymagitingnanilalang;
Kayanggawinanglahat, kami'ymapasayalamang.

Tinuruankamingmaglakad at magsalita;
Binibilhanngkahitanongmagustuhan;
TinuruangmapalapitsaPanginoon;
KasamangmagsimbatuwingLinggongHapon.

Laginginiisiptungkolsaamingkapakanan;
Sakripisyomo’ytunay  at di matatawaran;
Nagtatrabahoumagahanggangbuonghapon;
Hindi ipinalampaspatibakasyon.

Almusalnami'yinihahandasatuwina;
Tuwingpasukan, gumigisingngmaaga;
Kahitpasokniya ay tuwingtanghali pa;
Nagtitiis kami lamang ay mapakain.

May limangsalita’tlabingwalongnaletra;
Ito ay batisayoakingmahalnaina;
At walanghihigit pa sakanya;
"Ma, mahalnamahalkita" .




“Pag-asangnatatanaw”
Ni Joan N. Lajot
TaposnaangbakbakansaMarawi
Ngunitanginiwannito ay pighati
Animo’y sang sugatnanapakahapdi
Pilitpinapawingmatindingngiti.


Buhaynanasira, bahaygiba-giba
Mgataongnamatay at naulila
At sila ay matindiangpagluluksa
Kanilangmgamata ay lumuluha.

Mgasundalonahindinagpasakop
Pinilitnalumaban ‘di nagpadakop
Dugong nagkalatsalupa’ysumambulat
Angnagpahirapmalalalimnasugat.


O kababayankodasalko’ysainyo
Upangmakamitmulipangarapninyo
Dating buhaynamasaya at malumbay
Na punong-punongmagagandangkulay.



“IKAW”
Isinulat ni:Kirk Donasco

Paglalakbay sa buhay, koy maisasabuhay,
 Mabuti at masamay,
 Ito'y naranasan na'y,
 Halo't lungkot at saya'y,
Nadama KO sa buhay,
Pag gising KO sa buhay,
 Salamat pangino'oy,
 Buhay iyong biniga'y,
 Pasalamat sayo ay,
Aking panghabambuhay,
Problema ay itaway,
 Pagkat ang mga ya'ay,
Lilipas lang sa buhay,
 Para bang mga bula'y,
Lilisan sating buhay,
    Huwagna wag susukoy,
Malalagpasan lama'y.


              


“Mga Kaibigan kong Hangal”
Isinulat ni:Lory Jane Palomar

Ang aking mga kaibigan
Ay lagi kong maaasahan
Kasama ko kahit saan
Nagdadala ng kasiyahan.

Tanggap namin ang bawat isa
Kahit walang laman ang bulsa
Sa bawat isa ay umaasa
Pag-susulit ay lagging pasa.

Kaibigang aking kasama
Pati magulang ay kilala
Layunin ay hindi masama
Pag-aaral di balewala
Ang ugali may iba-iba
Mabuti naman  sa kakapwa
Estado ay kahit man iba
Kami walang pagkakaiba.

Kanya-kanya man ng minamahal
Magkakasama sa pagpasyal
Kahit kami’y hindi sosyal
Ang bawat isa aming mahal.



TunaynaKaibigan

Ni; Nicolas Blanca

Namukadkadangmgabagongusbongna bulaklak

Mgaibon ay umaawitsatuwa’tgalak

Dumaloyangunangpatakngulansalupa

 Panibagongaraw, panibagongsimula.


Puso at isipan ay punongpag-asaPag-asang

magkaroonngbagongsamahan

Bagongsamahanghindimatitinagnino man

Saarawnaiyon, nabuong di inaasahan.


Mulangika’ymakilala at makasama

Pag-inogngmundoko’ybiglang nag-iba

Sabawatarawnaikawangkasama

Lahatngproblema’ykayang kaya.


Sapagdaanngmgaaraw, buwan at taon

Samahannati’ypinagtibayngpanahon

Di man tayopalagingmagkasama

Itsuramosaisipanko’y di mabubura



“Angdakilang Dios”
Ni: Nikki V. Undag
Ang Dios ayangdakilasasanlibutan
Angsiyangminamahal at dinadasalan
Walanghangadkundiangkapayapaan,
kabutihanparasasangkatauhan.


Angmundongayon ay pagkagulo-gulo
Magingangtaongayon ay nalilito
Nagbubulag-bulaganangmgaito
Sa kung anoangilusyon at totoo.


Hindi niyakinukunsinteangbaluktot
Bagkosito’ytinutuwid at tinatama
Wag mawalanngtiwala at sumunod
Kung ikaw ay masaya o malungkot.


Laginghandangdumamay at umagapay
Samganagdurusa at nagtagumpay
Kailanma’yhindisumukoparatayo’y
Magingmaayos atmagingmatiwasay.


Bansag ng Lahi Ko!

Isinulat ni : Christine Adapon


Ang buhay na kinagisnan
Sa gitna na may silangan
Ito'y bansang pinagmulan.

Ako ay nagpupunyagi
At ako'y namamalagi
Na ito'y ubod at tangi
Na sadyang ipagmalaki.

Mahal na mahal kong bayan
Sana ikaw ay ingatan
Pati na ang alagaan
Mahal ko talagang bayan.

Ako ang siyang naririto
Kayang isigaw sa mundo
Tapat akong Pilipino
Nagmamahal sa lahi ko.

Ang pula, asul, at dilaw
Puti na nakakasilaw
Ito ay nagbigay ilaw
Sa bansang nangingibabaw.

Aking bansang Pilipinas
Manatiling sa itaas
Hindi man ngayon o bukas
 Tiyak at sa tamang oras.








Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito